Babalik sa Manila ang American rock band na The Fray para sa kanilang 20th anniversary tour ng debut album na How to Save a Life. Ang Pilipinas ang tanging Asian stop nila sa tour, matapos mag-perform sa Australia, Europe, at North America.
Gaganapin ang concert sa Araneta Coliseum sa December 12, 13 taon mula nang huling magtanghal dito ang banda. Asahan ang mga paborito nilang hits tulad ng “You Found Me,” “Look After You,” at syempre, “How to Save a Life,” na sumikat sa Grey’s Anatomy.
Ang tickets ay available na sa May 30. Huwag palampasin ang pagkakataon na makita muli ang The Fray sa Manila!