Isang federal judge ang humarang sa plano ng administrasyon ni Trump na ipad deport ang mga Asian migrants patungong Libya matapos mag-apela ang mga abogado ng mga migrants.
Ayon kay District Judge Brian Murphy, labag ito sa kanyang naunang desisyon na nagbibigay ng “makatarungang” pagkakataon para sa mga migrante na maghain ng kaso bago sila ipadeport.
Nagdesisyon si Murphy matapos maghain ng emergency motion ang mga abogado ng mga migranteng mula Laos, Pilipinas, at Vietnam, na nagbabala na malapit na silang ipad deport sa Libya—isang bansa na kilala sa mga paglabag sa karapatang pantao.
Kinuwestiyon din ng judge ang gobyerno ng US, sinabing hindi nila pwedeng iwasan ang mga utos sa pamamagitan ng pagpapasa sa ibang ahensya tulad ng Department of Defense.
Bilang reaksyon, sinabi ni President Trump na hindi niya alam ang isyung ito, pero ang mga plano ay mabilis na tinutulan ng mga international bodies at ng gobyerno ng Libya.