Site icon PULSE PH

Hontiveros: Pagtakas ni Roque, Tinulungan ng mga POGOs!

Ayon kay Sen. Risa Hontiveros, posibleng tinulungan si dating presidential spokesperson Harry Roque ng mga POGO players na makatakas sa bansa.

Kahit nasa Lookout Bulletin ng Bureau of Immigration (BI), nakalabas umano si Roque nang ilegal at ngayon ay nasa Abu Dhabi, UAE. “Dubai is a POGO hub, kaya posibleng mga POGO actors ang tumulong,” sabi ni Hontiveros.

Sinita rin niya ang BI dahil tila mas madaling nakakalusot ang mga pugante kumpara sa ordinaryong Pilipino. “Kapag pugante, ang dali makalusot. Pero kapag simpleng Pilipino, pahirapan sa Immigration,” banat ng senador.

Roque, na may kasong qualified human trafficking dahil sa POGO hub na Lucky South 99, inihain ang kanyang counter-affidavit mula UAE. Sinabi ng BI na pinaghihinalaang peke ang dokumento niya dahil walang record ng opisyal na pagbiyahe mula Pilipinas.

Patuloy ang imbestigasyon sa mga tumulong sa pagtakas ni Roque at iba pang pugante tulad ni Alice Guo, na nakapuslit din palabas ng bansa.

Exit mobile version