Pinataob ng Hong Kong Eastern ang Phoenix Fuel Masters, 102-87, sa kanilang explosive debut sa PBA Commissioner’s Cup sa PhilSports Arena.
Nagpasiklab si Cameron Clark na may 25 puntos at 11 rebounds, habang si Hayden Blankley ay humakot ng 18 puntos, 8 rebounds, 5 assists, at 3 blocks. Bumira rin sila ng 10 tres laban sa 2 lang ng Phoenix.
Sa third quarter, binuksan ng Eastern ang laro sa isang 21-5 run at hindi na binitiwan ang kalamangan, umabot pa sa 21 puntos.
Bagamat nagtangka ang Phoenix na makahabol sa likod ni Donovan Smith (33 puntos, 11 rebounds), masyadong mainit ang opensa ng Eastern.