Site icon PULSE PH

‘Home of the UAAP’, Itatayo na sa Pasig City!

Malapit nang magkaroon ng sariling tahanan ang University Athletic Association of the Philippines (UAAP) matapos isagawa ang groundbreaking ceremony para sa itatayong Home of the UAAP sa Amang Rodriguez Avenue, Pasig City.

Pinangunahan nina Akari Lighting and Technology Corp. CEO Christopher Tiu at mga opisyal ng UAAP ang seremonya sa loob ng 1.8-hectare na lote na magiging lokasyon ng proyekto.

Ang modernong pasilidad ay magkakaroon ng 8,000-seater arena na magsisilbing main venue para sa lahat ng indoor events ng 18 sports na sakop ng liga. Bukod dito, dito rin ilalagay ang opisina at headquarters ng UAAP.

Sa pamamagitan ng proyektong ito, layunin ng liga na magkaroon ng isang permanenteng tahanan para sa mga atleta, opisyal, at tagasuporta ng pinakaprestihiyosong collegiate sports league sa bansa.

Exit mobile version