Site icon PULSE PH

Hollywood Icon Val Kilmer, Pumanaw na sa Edad 65!

Pumanaw na ang batikang aktor na si Val Kilmer sa edad na 65.

Ayon sa ulat ng The New York Times, kinumpirma ng kanyang anak na si Mercedes Kilmer na sanhi ng kanyang pagpanaw ay pneumonia. Matatandaang na-diagnose siya ng throat cancer noong 2014, ngunit kalaunan ay gumaling.

Si Kilmer ang gumanap bilang Batman sa pelikulang Batman Forever noong 1995 at siya rin ang bumuhay sa karakter ni Jim Morrison sa The Doors (1991).

Kilala rin siya sa mga pelikulang Top Secret, True Romance, The Saint, at The Snowman. Siya ang gumanap bilang Iceman sa Top Gun (1986) at muling nakasama si Tom Cruise sa 2022 sequel na Top Gun: Maverick.

Nagpaalam na ang isang Hollywood legend, pero ang kanyang mga pelikula ay mananatiling buhay sa alaala ng mga tagahanga.

Exit mobile version