Sa isang makasaysayang sagupaan na parang NBA Finals preview, pinangunahan ni Jarrett Allen ang Cleveland Cavaliers sa 129-122 panalo kontra Oklahoma City Thunder nitong Miyerkules (Huwebes, Manila time).
Umangat ang Cavs sa 32-4 record, dala ang kanilang ika-11 sunod na panalo, habang tumigil naman ang 15-game win streak ng Western Conference-leading Thunder (30-6). “Parang laban buong gabi,” sabi ni Allen, na nagtala ng 25 puntos, 12 rebounds, anim na assists, at tatlong steals.
Kahit malamig ang shooting ni Donovan Mitchell (11 puntos, 3-of-16 shooting), bumida ang big men ng Cavs. Si Allen at Evan Mobley (21 puntos, 10 rebounds, 7 assists) ang unang Cavs teammates na nagrehistro ng 20-10-5 stats mula pa kay LeBron James at Dwyane Wade noong 2017. “Learning curve talaga,” sabi ni Allen. “Pero willing kaming magtrabaho para maging effective.”
Pitong Cavs ang nag-double figures, kabilang si Darius Garland na may 18 puntos, Max Strus na may 17 mula sa bench, at Ty Jerome na may 15. “Lahat handang maglaro at magpasa sa open man,” dagdag ni Allen.
Ang laban ay isa sa iilang pagkakataon sa NBA history na parehong may 10+ win streak ang dalawang koponan. Huling nangyari ito noong 2000 sa Lakers kontra Blazers.
Nagtapos si Shai Gilgeous-Alexander ng 31 puntos para sa Thunder, habang nag-ambag si Jalen Williams ng 25. Sa Enero 16, magkakaroon sila ng rematch sa OKC.
Sa dikitang laban, ang Cavs ang nanaig sa clutch moments. Pinutol ni Mobley ang momentum ng Thunder sa floater, at sinelyuhan ni Garland ang laro sa driving layup.
Sabi ni Mitchell, “Best record kami ngayon, pero mga ganitong laro ang nagpapatunay ng kakayahan namin—hindi lang para sa iba, kundi para sa sarili rin namin.”