Site icon PULSE PH

Hindi Tatay, Guest Lang? Kapatid ni Dennis Padilla, Sumagot sa Isyu sa Kasal ni Claudia!

Naglabas ng sama ng loob si Gene Padilla matapos mabudol umano ang kapatid niyang si Dennis Padilla sa kasal ng anak nitong si Claudia Barretto kay Basti Lorenzo.

Ayon kay Gene, excited si Dennis sa kasal pero walang naka-assign na role sa kanya bilang ama ng bride. Hindi raw siya sinabihan ng kahit sinong organizer, at hindi rin isinama sa entourage o pinaupo sa harap.

“NABUDOL NYO AKO! FATHER OF THE BRIDE NAGING VISITOR. GALING NYO!” ani Dennis sa ngayon ay burado nang post.

Sa kanyang Facebook post, ikinuwento ni Gene na napaiyak si Dennis at ang kanilang ina dahil sa nangyari. “Sa sobrang sama ng loob, umuwi na lang kami pagkatapos ng simbahan,” sabi niya.

Hindi rin napigilang maglabas ng mensahe si Gene para sa mga anak ni Dennis at kay Marjorie Barretto:

“Matagal nang nanunuyo ang tatay niyo. Ang tanong: mali ba talaga siya, o pinaniwalaan niyo lang ang mga kwento sa paligid?

Exit mobile version