Apat na koponan ang nagbabanggaan ngayon sa PhilSports Arena para makuha ang natitirang tiket patungo sa quarterfinals ng PVL All-Filipino Conference.
PLDT vs. ZUS Thunderbelles
Bitbit ang matinding momentum, pasok bilang paborito ang PLDT High Speed Hitters (8-3) sa kanilang laban kontra ZUS Thunderbelles (4-7) sa alas-6:30 ng gabi. Apat na sunod na panalo na ang baon ng PLDT, kabilang ang kanilang thriller win kontra defending champion Creamline noong Pebrero 15 sa Antipolo.
Farm Fresh vs. Akari
Samantala, magbabakbakan naman ang Farm Fresh Foxies at Akari Chargers sa alas-4 ng hapon. Parehong may 5-6 record, pero bahagyang lamang ang Foxies sa seeding bilang No. 6.
