Site icon PULSE PH

Hindi ako VIP! Andrea Brillantes, Maagang Daw Pumila Para sa Olivia Rodrigo Concert!

Sinagot ni Andrea Brillantes ang mga haka-haka ng ilang fans na nakakuha siya ng VIP treatment sa “Guts” concert ni Olivia Rodrigo noong Sabado, Oktubre 5, sa Philippine Arena, Bulacan.

Ayon kay Andrea, hindi siya pinaboran, kundi maaga lang siyang pumila para sa sold-out concert ng Grammy-winning Filipina-American singer-songwriter.

“Napansin ko, mali ang pagkakabanggit ko, at parang nagmukhang nagyayabang ako tungkol sa pwesto ko. Pero mali kayo. Ang ibig ko lang sabihin, maaga ako pumila kaninang umaga, kaya ako naging unang tao sa queue lane ko,” pahayag ng aktres sa kanyang Instagram Story noong Sabado.

Dagdag pa niya, “Walang VIP treatment o anumang magic na nangyari,” kasabay ng pagbanggit na umaga pa lang ay nakapila na siya para sa evening concert ni Olivia.

Ipinakita rin ni Andrea sa kanyang IG stories ang ilang clips na nagpapakita ng paghihintay niya sa pila, kung saan kakaunti pa lamang ang tao.

Bukod kay Andrea, spotted din sa concert sina Sharlene San Pedro, Radson Flores, at Marian Rivera kasama ang anak na si Zia.

Exit mobile version