Site icon PULSE PH

Higit 500 Pamilyang Lumikas sa QC, Personal na Binisita ni Mayor Joy Belmonte!

Mahigit 500 pamilya ang lumikas sa Quezon City dahil sa pagbaha at malakas na ulan dulot ng habagat na pinalakas ng Severe Tropical Storm Crising. Ayon sa lokal na pamahalaan, umabot sa 556 pamilya o 1,938 katao ang nasa mga evacuation center.

Pinakamarami ang mula sa Barangay Bagong Silangan kung saan mahigit 100 pamilya ang inilikas.

Personal na binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga evacuee upang kumustahin ang kanilang kalagayan at namahagi din ng tulong at ng mga pangunahing pangangailangan gaya ng mga gamot at pagkain. Ipinatupad din ang bagong sistema ng evacuation cards para mas maayos at mabilis ang pagbibigay ng ayuda.

Noong Sabado ng gabi, nagpatupad ng preemptive evacuation ang lungsod sa mga residente malapit sa Tullahan River matapos umabot sa critical level ang tubig sa La Mesa Dam. Patuloy din ang mga rescue operation sa mga binahang lugar

Exit mobile version