PULSE PH

Herlene Budol, May Buwelta Laban sa mga Bashers!

BINASAG na ng beauty queen-actress na si Herlene Budol ang kanyang katahimikan ukol isyung kinasasangkutan ngayon kasama si Rob Gomez.

Usap-usapan kasi ngayon ang dalaga matapos mag-leak sa mismong Instagram account ng Kapuso actor ang diumano’y palitan nila ng mensahe. Nitong araw lang nang bumulaga sa madlang pipol ang screenshots ng kanilang usapan kung saan may makikitang pregnancy test sa huli at naka-tag pa si Herlene sa mismong post.

Maliban pa rito ay makikita rin sa screenshot na tila hindi lang basta magkaibigan ang dalawa at nagkikita rin paminsan-minsan. Isa rin sa nagpagulat sa mga netizens ang “kainan” ng dalawa kung saan mas gutom umano si Herlene. Base sa flow ng kanilang usapan ay tila may nangyayari sa pagitan nilang dalawa.

May mababasa pa na sinabihan ni Rob si Herlene na huwag muna itong tatawag sa kanya dahil pupuntahan niya ang anak nito kay Shaila Rebortera na si Amelia.

May parte rin sa usapan na diumano’y sinabi ni Herlene na alam niya ang kanyang pinasok at alam niya ang kanyang limit.

Exit mobile version