Hindi lang sa isang sport magaling si Hergie Bacyadan! Matapos sumabak sa boxing sa Paris Olympics, nagningning muli si Hergie sa Asian Kickboxing Championships sa Cambodia, kung saan nakasungkit siya ng ginto sa women’s K1-70kg division laban sa Chinese na si Jinwei Teng. Isa na namang karangalan para sa 29-anyos na Kalinga fighter, na dating nagwagi rin sa vovinam at wushu.
Ang panalo ni Hergie ay nagbigay sa kanya ng tiket para sa World Combat Games sa China sa susunod na taon. Kasama rin sa mga nagningning sina Carlo Von Buminaang at Jovan Medallo, habang si Janah Lavador ay humakot ng tatlong bronze medals.
