Ang inaabangang sequel na “Hello, Love, Again” nina Alden Richards at Kathryn Bernardo ang napiling closing film ng Asian World Film Festival (AWFF) sa Los Angeles ngayong taon.
Gaganapin ang AWFF mula Nob. 13-20, na layong magbigay-pugay sa natatanging Asian filmmakers at palakasin ang ugnayan ng Asia at Hollywood. Magbubukas ang festival sa South Korean drama na “A Normal Family,” at “Hello, Love, Again” ang magsasara sa Nob. 20.
Ang mga Pinoy ay maaari nang abangan ang “Hello, Love, Again” sa mga sinehan sa Pilipinas simula Nob. 13, ang parehong araw ng festival opening sa Los Angeles.