Site icon PULSE PH

Heart at Pia, Pasiklaban ng White OOTD sa SONA 2025!

Nagbida sa pulang karpet ng SONA 2025 sina fashion icons Heart Evangelista at Pia Wurtzbach, kapwa naka-white Filipiniana at agaw-pansin sa kanilang elegante at makabansang OOTD.

Asahan na ang pagdating ni Heart bilang misis ng Senate President Chiz Escudero. Suot niya sa umaga ang barong-inspired top at habing palda mula kay Michael Leyva, pero nagpalit ito ng isa pang Leyva Filipiniana bago dumating sa House of Representatives.

Ang mas ikinagulat ng lahat? Si Pia! Biglang sumulpot ang Miss Universe 2015 sa isang modernong white Filipiniana gawa ni Mark Bumgarner. Kasama niya si OWWA Chief PY Caunan, bilang bahagi ng kanyang ambag bilang ambassador para sa kapakanan ng OFWs.

Matatandaang naging usap-usapan ang umano’y alitan ng dalawa matapos lumipat ang glam team ni Heart kay Pia, na mas naging aktibo rin sa fashion scene. Pero sa pahayag ni Heart noong Oktubre, nilinaw niyang wala siyang galit kay Pia:

“I never had a problem with her. In fact, I cheered for her.”

Nagkasama pa nga sila kamakailan sa Paris Haute Couture Fashion Week, magkatabing nanood ng runway show ni Robert Wun.

Kung dati ay chismis ang trending, ngayon, power dressing at class na ang peg nina Heart at Pia!

Exit mobile version