Site icon PULSE PH

Hayb Anzures, Bagong “Godfather” ng Philippine Tennis!

Mula sa pagiging baguhan hanggang sa pagiging pangunahing tagapagtaguyod ng tennis sa bansa — iyan ngayon si Hayb Anzures, ang 31-anyos na negosyante na tinaguriang bagong “godfather” ng Philippine tennis.

Isang taon pa lang mula nang unang humawak ng raketa si Anzures, pero agad siyang nagmarka sa sports community matapos itatag ang Gentry Open Tennis Championships sa San Jose del Monte, Bulacan — ang pinakamalaking lokal na torneo sa kasalukuyan na may P2 milyong kabuuang premyo.

“Magkaiba talaga ang saya ng tennis kumpara sa basketball, football, o golf. Ang tennis community, napakawelcoming,” ani Anzures, na dating business management student sa Far Eastern University.

Ayon sa kanya, ang tagumpay ni Alex Eala sa international stage ang nagsilbing inspirasyon para tumulong siya sa pagpapaunlad ng lokal na tennis.

“Ang pag-angat ni Alex Eala ay nagbigay ng pag-asa sa mga Pinoy tennis fans. Nais kong makibahagi sa pagbangon ng isport sa Pilipinas,” paliwanag niya.

Sa pamamagitan ng Gentry Open, umaasa si Anzures na mas marami pang kabataang atleta ang mahihikayat na pasukin ang tennis — at muling buhayin ang sigla ng isport sa bansa.

Exit mobile version