Nagulat ang marathon world nang lumabas ang balitang sumali si Grammy-winning artist Harry Styles sa 2025 Berlin Marathon—gamit ang alias na “Sted Sarandos” para umiwas sa atensyon. Pero kahit nag-disguise, hindi nakatakas ang kanyang performance: natapos niya ang marathon sa loob ng 2 oras, 59 minuto at 13 segundo, ang kanyang pinakamabilis na record hanggang ngayon.
Noong nakaraang Marso, tumakbo si Styles sa Tokyo Marathon at nagtala ng 3:24:07, kaya’t malinaw na malaki ang improvement niya sa Berlin. Suot ang itim na long-sleeve, itim na shorts, orange racing shoes at shades, tinapos ng singer ang 42-kilometer run na may average pace na 4:15 kada kilometro at speed na 14.3 km/h.
Sa halos 48,000 runners, pumwesto siya sa 2,245th place — pasok sa top 5% — at 524th sa kanyang over-30 age group. Para sa konteksto, ang average male marathon time ay nasa 4:21:03.
Bagamat kapos lang ng apat na minuto para sa Boston Marathon qualifying time (2:55:00), malaking milestone pa rin ito para sa 31-anyos na singer, na ngayon ay nasa pangalawa nang World Marathon Major matapos ang Tokyo.
Samantala, nasungkit ng mga Kenyan na sina Sebastian Sawe at Rosemary Wanjiru ang kampeonato ng Berlin Marathon ngayong taon, matapos magtala ng 2:02:16 at 2:21:05, ayon sa pagkakasunod.