Nagbabala ang PAGASA ngayong Huwebes, Hunyo 26, na dalawang weather system ang magdadala ng ulan sa iba’t ibang bahagi ng bansa: ang habagat at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Habagat Update:
Inaapektuhan nito ang kanlurang bahagi ng Central at Southern Luzon, kasama na ang Kalayaan Islands, Zambales, Bataan, Occidental Mindoro, at Palawan. Inaasahang magkakaroon ng maulap na kalangitan, kalat-kalat na ulan, at mga thunderstorm.
⚠ Babala: Posibleng pagbaha at landslide sa mga lugar na ito.
ITCZ Alert:
Maulan din sa Mindanao, lalo na sa Surigao del Norte at Sur, Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao Occidental dahil sa ITCZ.
⚠ Babala rin: Flash floods at landslides dahil sa malalakas na ulan.
Metro Manila at Iba Pang Lugar:
Asahan ang maulap na kalangitan at paminsang pag-ulan o pagkidlat-pagkulog dahil sa localized thunderstorms.
Bagyong Binabantayan:
Isang tropical depression ang mino-monitor na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR). Nasa 1,045 km ito mula sa extreme Northern Luzon, may lakas ng hangin na 45 kph at bugso hanggang 55 kph, at kumikilos pa-kanluran sa bilis na 10 kph.