Site icon PULSE PH

Gordon Ramsay Papasiklab sa Pinas: Hell’s Kitchen at 3 Pang Restos, Abangan!

Mahigit 10,000 reservations sa loob ng isang buwan – ito ang isa sa mga dahilan kung bakit napadpad ang world-renowned chef na si Gordon Ramsay sa Pilipinas sa unang pagkakataon. Ito’y ilang buwan matapos buksan ang kanyang Gordon Ramsay Bar & Grill sa Newport World Resorts sa Pasay City noong Agosto, na tampok ang sikat niyang $300 (P17,500) Beef Wellington dish.

“I think we were over 10,000 bookings in the first 30 days of opening, so there’s a testament to the support,” ani Ramsay.

Ngayong araw, nasaksihan mismo ng multi-Michelin-starred chef at TV personality kung gaano siya kamahal ng mga Pilipino at ang kanyang luto. Sa harap ng libu-libong Culinary Arts students, chefs, at foodies na pumuno sa Newport Performing Arts Theater, ipinakita ni Ramsay ang pagmamahal niya sa Pinoy fans sa pamamagitan ng isang masayang Q&A, isang Halo-Halo cook-off kasama sina Ninong Ry at Judy Ann Santos, at isang malaking anunsyo – ang plano niyang magbukas ng tatlong bagong restaurants sa Pilipinas, kabilang ang unang Hell’s Kitchen sa bansa.

“Tomorrow morning, we are looking at potentially three new restaurant sites here in the Philippines… maybe a beautiful Hell’s Kitchen restaurant,” pahayag ni Ramsay.

Pagdating pa lang niya sa Pilipinas, agad niyang binisita ang kanyang Bar & Grill at napahanga siya sa dedikasyon ng Pinoy staff.

“I arrived at 5 a.m. yesterday morning, had breakfast with the kids in the kitchen, felt the speed, understood where they were from and what it meant to them,” ani Ramsay.

Pinuri rin niya ang kanilang sipag, lalo na ang mga staff na nagbibiyahe ng apat na oras araw-araw para magtrabaho. “It reminds me of myself at 22. I think the youngest in the kitchen, she’s 17, so we are blessed with such talents,” dagdag pa niya.

Sa dami ng pagmamahal na natanggap niya mula sa mga Pilipino, tiyak daw na babalik siya sa bansa nang mas madalas.

“First of all, thank you. The level of support has been amazing… I honestly think I’m more in love with Manila than they are in love with me, so thank you and it’s so nice to see you all!” wika ni Ramsay.

Abangan ang mga bagong sorpresa ni Gordon Ramsay sa mundo ng Pinoy dining!

Exit mobile version