Magsasama sa Netflix K-drama na The Trunk sina Gong Yoo at Seo Hyun-jin, sa direksyon ni Kim Kyu-tae. Base sa nobela ni Kim Ryeo-ryeong, umiikot ang kwento sa isang taong kasunduan ng kasal at sa mahiwagang trunk.
Si Seo Hyun-jin ang gaganap bilang si Noh In-ji, empleyado ng isang marriage service na nag-aalok ng custom na asawa sa mundo kung saan uso ang diborsyo. Nakipagkontrata siyang magpakasal kay Gong Yoo, na gaganap bilang si Han Jeong-won, isang musikero na puno ng lungkot mula sa nakaraan. Ngunit laking gulat ni Jeong-won sa ugali ni In-ji, lalo’t ang dating asawa niya mismo ang nag-set up ng kasunduan!
Sabay abangan ang tambalang Gong Yoo at Seo Hyun-jin sa kwento ng pag-ibig at misteryo sa The Trunk!
