Hindi nagpapigil si Albert Jose Amaro! Muling pinatunayan ng 17-anyos na swimmer ang husay niya matapos mag-uwi ng gintong medalya sa 50-meter butterfly event para sa boys 16-18 age group sa 47th Southeast Asian Age-Group Swimming Championships sa Singapore kahapon.
Sa dikdikang laban, 0.01 segundo lang ang lamang ni Amaro (25.15) laban sa Indonesian swimmer na si Jason Donovan Yusuf (25.16), habang 25.23 ang oras ni Tedd Windsor Chan ng Singapore.
Hindi ito ang unang beses na nagpamalas ng gilas si Amaro—naalala pa siya bilang 7-gold medalist ng Palarong Pambansa sa Cebu noong nakaraang taon.
Samantala, 13-anyos na si Sophia Rose Garra ay hindi rin nagpapahuli! Tinapos niya ang girls’ 13-under backstroke sa 2:24.33, sapat para makuha ang silver medal. Naungusan lang siya ni Oravee Intaporn-Udom ng Thailand (2:20.33).