Umarangkada si Robyn Brown sa women’s 100m hurdles at tinapos ang kanyang triple-gold campaign sa ICTSI Philippine Athletics Championships. Wagi siya sa oras na 13.85 seconds—malayo sa kalaban mula Thailand at Malaysia.
Hindi pa doon nagtatapos ang ningning ni Brown. Kasama ang 4×400 mixed relay team ng Pilipinas, sinelyuhan niya ang ikalawang ginto sa 3:29.85.
Samantala, comeback is real para kay Paris Olympian John Tolentino! Tinakasan niya ang dating SEA Games champ Clinton Bautista at debutant Kaleb Luton sa men’s 110m hurdles. Final time? 13.98 seconds—saktong panalo!
Sa ibang event, si Frederick Ramirez ay kinapos sa huli at pumangalawa sa men’s 400m race.
