Isinusulong ng administrasyong Marcos ang 100% internet connectivity sa lahat ng pampublikong paaralan sa buong bansa bago matapos ang taon — kabilang na ang mga nasa malalayong lugar.
Sa isang event sa Flora A. Ylagan High School sa Quezon City, pinangunahan ng Pangulo ang “connectivity drive,” kung saan nakipag-virtual call siya sa mga guro at estudyante mula sa mga probinsya gamit ang Starlink internet.
Kabilang sa mga lumahok ang mga paaralan mula Batanes hanggang Tawi-Tawi. Kasama rin sa programa sina DICT Secretary Henry Aguda, Mayor Joy Belmonte, at virtual si DepEd Secretary Sonny Angara mula Agusan del Norte.Ani Marcos, “May bago kayong laruan. Gamitin n’yo ‘yan para matuto.”
Layunin ng proyekto: mas mabilis, mas malawak, at pantay-pantay na access sa digital learning.
