Muling sumikat ang 16-year-old hit na “Upuan” ni Gloc-9 sa gitna ng public outrage kaugnay ng umano’y korapsyon sa flood control projects.
Unang inilabas noong 2009, ang kanta ay tumuligsa sa kawalan ng malasakit ng mga nasa kapangyarihan sa hirap ng karaniwang Pilipino. Sa panayam ng The STAR, ibinahagi ng rap icon na isinulat niya ito habang nag-aaral ng Nursing, matapos masaksihan ang kalunos-lunos na kalagayan ng mga pasyente sa pampublikong ospital.
Bagama’t natutuwa siya na muling nadidiskubre ng mas batang audience ang kanta, inamin niyang may kalungkutan din dahil nananatiling relevant ito hanggang ngayon.
“Okay din na nagva-viral… pero malungkot din kasi ibig sabihin, andiyan pa rin yung mga hindi magandang nangyayari,” ani Gloc-9.
Para sa kanya, ang “Upuan” ay parang anak na pinalipad ngunit bumalik dahil hindi pa rin nagbabago ang sitwasyon sa lipunan.