Tabla ang laban! Ginebra nagwagi sa Game 4, 106-92, at nakapantay sa TNT sa PBA Governors’ Cup Finals, 2-2.
Bida si Justin Brownlee para sa Gin Kings na may 34 points, 6 rebounds, at 4 assists, ang best game niya sa Finals so far. Kasama niya sina Mav Ahanmisi, Japeth Aguilar, at Stephen Holt na nagdagdag ng tig-18 puntos.
Lumamang agad ang Ginebra sa first half, 54-42, matapos ang isang 3-pointer ni Holt. Hindi na nila binitiwan ang lead na ito, kahit ilang ulit na humabol ang Tropang Giga.
Nakatutok pa rin ang TNT sa fourth quarter at nasa pitong puntos na lamang ang agwat, 90-97, matapos ang layup ni RR Pogoy. Pero isang clutch 3-pointer mula kay Ahanmisi ang nagpalayo muli, 101-90. Sinelyuhan naman ni Holt at Brownlee ang laro sa isang tres at dunk, tuluyang pinalamig ang pag-asa ng TNT.
Susunod ang Game 5 sa Miyerkules, 7:30 p.m., sa parehong venue.