Sa wakas, naka-breakthrough ang Gilas Pilipinas Women matapos talunin ang Lebanon, 73-70, sa FIBA Women’s Asia Cup Division A sa Shenzhen, China!
Sa kabila ng muntikang comeback ng Lebanon mula 17-point deficit, na-secure ng Gilas ang dalawang malaking goal:
✅ Top 6 finish para sa 2026 FIBA Women’s World Cup qualifiers
✅ Manatili sa elite Level 1 status ng Asia Cup
Bitbit ang 1-2 record, pasok din ang Gilas sa qualification round to the semis bilang No. 3 ng Group B. Makakaharap nila ang No. 2 ng Group A — South Korea o New Zealand.
Ang mananalo rito, haharap sa powerhouse team na Australia, ranked No. 2 sa mundo.
Si Naomi Natalie Panganiban ang bayani ng laro na may 15 puntos, kabilang ang clutch free throws sa huling 17 segundo para selyuhan ang panalo.