Walang pep talk needed—Gilas Pilipinas buo ang loob para harapin ang New Zealand sa FIBA Asia Cup Qualifiers ngayong gabi sa MOA Arena.
Matagal nang gustong makabawi ng Nationals sa Tall Blacks, na apat na beses tayong tambakan mula 2016. Dagdag pa ang suporta ng home crowd na matagal na nilang di naramdaman, kaya todo-motivation ang koponan.
“Protektahan natin ang home court. Pakita natin ang Gilas para sa bayan,” sabi ni Coach Tim Cone, na tiwalang kayang ulitin ng Gilas ang giant-killer performance nila sa Olympic Qualifiers noong Hulyo.
Kahit may injury sina AJ Edu at Jamie Malonzo, asahan sina Justin Brownlee, Kai Sotto, at June Mar Fajardo na mag-step up sa crucial Group B showdown na magdadala sa atin mas malapit sa 2025 Asia Cup.