Matibay ang Gilas Pilipinas U16 boys! Sa kabila ng dikdikang laban, nanaig pa rin ang Pilipinas kontra Indonesia, 77-68, nitong Miyerkules sa FIBA U16 Asia Cup SEABA Qualifiers sa Bren Z. Guiao Sports Complex sa Pampanga.
Parehong undefeated ang dalawang koponan bago ang laban, pero sa dulo, Gilas pa rin ang nagwagi para umangat sa 4-0 record.
Bumida si Prince Cariño na may 15 points at 6 rebounds, habang si Travis Pascual ay may 13 puntos, 5 rebounds, at 2 assists. Nag-ambag din si Luisito Pascual ng 12 puntos.
Lamang ng 10 ang Gilas sa simula ng fourth quarter, pero hindi basta-basta ang Indonesia. Umabot pa sa 5 ang kalamangan matapos ang 9-0 run ng kalaban. Umabot pa ito sa 4-point game, 65-61, sa huling apat na minuto.
Pero clutch ang Gilas! Pinasabog ni Everaigne Cruz ang isang tres, sinundan ng baskets nina Carl de los Reyes at Cariño para muling lumobo sa 11 ang kalamangan. Naka-score pa ang Indonesia, pero tinapos ni Travis Pascual sa free throws ang laban.
Susunod na makakaharap ng Pilipinas ang Malaysia (2-2) sa kanilang huling elimination round game sa Huwebes. Ang finals, sa pagitan ng Top 2 teams, ay gaganapin sa Biyernes, Mayo 30.
