Umalagwa si Giannis Antetokounmpo sa 32 puntos, 14 rebounds, 9 assists, at 4 blocks para pangunahan ang Milwaukee Bucks sa 110-102 panalo kontra Atlanta Hawks at tiket papunta sa NBA Cup final.
Kasama si Damian Lillard na may 25 puntos at Brook Lopez na may 16, pinigilan ng Bucks ang 35-point explosion ni Trae Young. Tumira si Giannis ng 10-of-15 mula sa field at pinangunahan ang clutch run sa dulo para selyuhan ang laro.
Sa Las Vegas na ang final laban sa magwawagi sa Thunder-Rockets semi-final. Ayon kay Giannis: “Walang hero ball, team basketball lang. Kailangan namin magpatuloy dahil hindi pa tapos ang trabaho.”
Bucks vs. ??? Abangan ang salpukan sa NBA Cup final!