Ibinahagi ni Kapamilya actor Gerald Anderson ang bagong tagumpay bilang Auxiliary Captain ng Philippine Coast Guard (PCG).
Todo suporta ang girlfriend niyang si Julia Barretto na nag-post pa ng, “Congratulations, Captain Gerald. So proud!”
Si Gerald ay kinilala na noon ng PCG dahil sa kabayanihan niya noong Typhoon “Carina.” Ginawaran siya ng “Search and Rescue Medal” bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa relief at disaster response efforts.
Ayon kay PCG Spokesperson CG Rear Admiral Armando Balilo, palaging aktibo si Gerald sa mga makataong misyon ng Coast Guard, mula sa pagtulong sa Aetas ng Zambales, pagbangon ng mga pamilya sa Marawi, hanggang sa pag-donate ng medical supplies noong kasagsagan ng pandemya.
“Isang tunay na kaagapay sa serbisyo,” ani Balilo.
