Site icon PULSE PH

Andi Eigenmann Nilinaw: Walang Third Party, Pero May “Betrayal” sa Kaibigan!

Matapos umugong ang espekulasyon tungkol sa umano’y pangangaliwa ng kanyang asawang si Philmar Alipayo, agad itong pinabulaanan ni Andi Eigenmann sa kanyang Instagram stories nitong Sabado.

Walang Niloloko, Pero May Panloloko?
Nagpaliwanag ang aktres tungkol sa kanyang mga naunang IG posts na inakala ng netizens na may kinalaman sa pagtataksil.

“Alam kong hindi ako niloko ng asawa ko. Lagi akong nandiyan kapag magkasama sila,” ani Andi, na hindi pinangalanan ang babaeng sangkot sa isyu.

Ayon kay Andi, hindi naman si Philmar ang problema kundi ang isang babaeng itinuring niyang kaibigan—isang taong patuloy umanong hinihikayat ang kanyang asawa na hiwalayan siya tuwing sila ay nag-aaway.

Couple Tattoo na May Malisya?
Nag-trending ang isyu matapos kumalat ang litrato ng magkaparehong tattoo ni Philmar at ng babae, na ayon kay Andi, ay ginawa isang araw matapos ang isang matinding away nilang mag-asawa.

“Hindi niya iginalang ang side ko. Sa halip, ipinagdiwang pa niya ang ‘pagmamahal’ nila ng asawa ko sa pamamagitan ng spontaneous love couple tattoo.”

Sinubukan umanong kausapin ni Andi ang babae tungkol dito pero hindi siya pinansin. Masakit din para sa kanya na hindi man lang siya kinonsulta ni Philmar tungkol sa tattoo.

“Walang matinong kaibigan ang gagawa nito sa asawa ng iba nang hindi man lang iniisip ang damdamin ng partner, lalo na kung alam niyang gusto kong ayusin ang pagsasama namin.”

Sa huli, inamin ng aktres na pinagsisihan niyang hindi siya agad nakinig sa babala ng kanyang mga kaibigan tungkol sa babaeng ito.

“Hindi ko sana kailangang ipost ito kung nagkaroon lang siya ng lakas ng loob na sagutin ako. Pero ngayon, ako pa ang lumalabas na masama…”

Nag-ugat ang isyu matapos mag-post ng cryptic Instagram stories sina Andi at Philmar, na agad namang pinagpiyestahan ng netizens noong Biyernes ng gabi.

Exit mobile version