Site icon PULSE PH

G-Dragon, Balik-Trono sa Pinas Matapos ang 8 Taon!

Balik na ang “King of K-pop”! Matapos ang halos walong taon, muling humataw si G-Dragon sa Philippine stage para sa kanyang “Übermensch” world tour noong Mayo 17 — at hindi lang basta concert ito. Siya ang kauna-unahang K-pop male solo artist na nagtanghal sa pinakamalaking indoor arena sa mundo, ang Philippine Arena!

Agaw-eksena agad ang kanyang entrance — may korona, pulang roses sa jacket, at stage na kulay dugo. Sumabog ang crowd nang simulan niya ang show sa kantang “POWER”, sabay sigaw ng linyang “Who run the world?”

Kasunod nito, sinundan niya ng matitinding performances gaya ng bagong kantang “HOME SWEET HOME”, pati na rin ang throwback hits na “GO” at “One of A Kind.” At siyempre, hindi mawawala ang kanyang signature na “Swag check!” bago kantahin ang iconic “Crayon.”

Nagpasalamat si G-Dragon sa kanyang fans (FAM at VIP), sabay sabing, “It’s been a long, long eight years. This is crazy. This is good.” Ramdam na ramdam ang excitement — mula sa kanya, pati na rin sa mga fans na may dalang lightsticks at sigaw ng suporta.

Ang stage? Grabe rin — may dalawang dambuhalang balloon figures na sumisimbolo sa dalawang bersyon niya: ang G-Dragon ng 2009 (“Heartbreaker” era) at ang bagong G-Dragon ngayong 2024. Para kay Ji-yong (totoong pangalan niya), ang “Übermensch” ay hindi lang album — isa itong bagong pananaw sa buhay.

“Parang palaka akong nakulong sa balon sa loob ng 8 taon. Pero napagtanto kong kailangan ko pala ang oras na ’yon,” ani niya sa isang video message.

Mas relaxed, mas totoo, at mas malaya si G-Dragon ngayong comeback. Pinatugtog niya rin ang mga classics tulad ng “WHO YOU?”, “CROOKED”, at “A Boy”. Nang tinanong niya kung anong bagong kanta ang pinakapaborito ng crowd, natawa siya sa sagot at sabay sabing, “Ako rin, ako rin!”

Tinapos niya ang gabi sa emosyonal na rendisyon ng “DRAMA”, bago bumaba ng stage para lapitan at haranahin ang fans gamit ang “1 Year” at “IBELONGIIU.”

Walang duda — si G-Dragon, hindi lang basta bumalik. Nagpakita siya ng bagong anyo, bagong musika, at muling pinatunayan kung bakit siya ang Hari ng K-pop.

Exit mobile version