Site icon PULSE PH

Fyang at JM: From PBB Kilig to Real-Life Feels?

Hindi lang sa loob ng Pinoy Big Brother “Gen 11” house nagpasabog ng kilig sina Fyang Smith at JM Ibarra—dala-dala nila ito hanggang sa totoong buhay. Mula sa onscreen bonding na hinangaan ng fans, ngayon ay mas lumalalim pa ang koneksyon nilang dalawa.

Sa presscon ng “Star Magic Spotlight” sa Coffee Project, Wil Tower, QC, inamin ng dalawa na mahalaga ang respeto at pagpapahalaga nila sa isa’t isa.
JM: “Career muna. As long as may respeto at pagpapahalaga, ayos kami.”
Fyang: “Masaya lang kami kapag magkasama.”

Nang matanong kung may ibang nanliligaw kay Fyang, pabirong sagot ni JM:
“Yun ay kung makakasingit.”
Sinalo agad ni Fyang:
“Wala nang makakasingit. Bawal!”
Boom. Mic drop.

Bukod sa PBB, umarangkada na rin ang careers nila—may cameo sila sa pelikulang “My Love Will Make You Disappear” nina Kim Chiu at Paulo Avelino, at sila rin ang boses sa Tagalog dub ng Korean film na “Picnic” na ipapalabas na sa mga sinehan.

Sa exclusive interview ng The STAR, kitang-kita ang real-life chemistry—may holding hands, harutan, at mga palitan ng asar na punong-puno ng lambing.
Fyang: “Noong una, ‘di ko inakala na magiging loveteam kami. May tampuhan pa kami sa loob ng bahay.”
JM: “Ni hindi ko akalaing lalaki fandom namin ng ganito.”

Tinanong kung anong qualities nila ang nagustuhan nila sa isa’t isa:
JM: “Lahat. Family-oriented, maalaga sa kapatid, sa akin din—haha!”
Fyang: “Protektado niya ako, ginagabayan, super hardworking. Siya ang tipo ng taong ayaw ng pahinga.”
JM: “Kasi siya na yung pahinga ko.”
(Insert collective awwww from fans here.)

Pinakatamis na moment? Their first real Valentine’s date—may band, flowers, steak.
Fyang: “First time akong may nag-aya sa akin ng ganun. Please ulitin mo ‘yun.”

At pagdating sa tanong kung may ligawan sa hangin?
JM: “Yes. Vocal ako.”
Fyang: “Yes din. Pero ngayon, focus muna kami sa career.”

So, ano na nga ba sila?
Official man o hindi, ang chemistry nila—solid, authentic, at halatang may something more.

Exit mobile version