Site icon PULSE PH

Funko Now in the PH! Kauna-unahang SEA Branch, Bukas na sa Pasay Mall!

Ang kilalang American toy company na Funko ay opisyal nang nagbukas ng kauna-unahang tindahan nito sa Southeast Asia, at saan pa nga ba kundi sa SM Mall of Asia sa Pasay!

Kung ikaw ay fan ng Disney, anime, Marvel, K-pop, o kahit classic na cartoons, siguradong may para sa’yo sa bagong Funko store. Makikita rito ang iconic na Funko Pop! figures, ang mini version na Bitty Pop!, pati na rin ang plushies, action figures, games, at collectible na damit.

Ayon kay Andy Clempson, Vice President ng Sales ng Funko Asia-Pacific,

“Gusto naming gawing ultimate fan destination ang store na ito — para sa mga matagal nang fans at pati na rin sa mga bagong nahuhumaling.”

Dagdag pa niya,

“Naniniwala kaming lahat may fandom—at may Funko para sa lahat!”Pinuri rin ni Clempson ang Pinoy Funko community bilang “fantastically passionate and knowledgeable.” Aniya, halos kapantay ng US ang pop culture sa Pilipinas, kaya’t hindi na nakapagtatakang tayo ang nangunguna sa Southeast Asia pagdating sa Funko sales.

Exit mobile version