Site icon PULSE PH

Freddie Freeman, Nagpakitang Gilas sa Laban ng Dodgers vs. Blue Jays!

Isang makasaysayang laban ang nasaksihan sa Dodger Stadium matapos magwagi ang Los Angeles Dodgers laban sa Toronto Blue Jays sa pamamagitan ng isang walk-off home run ni Freddie Freeman sa ika-18 inning, 6–5, nitong Lunes (Martes sa Pilipinas).

Umabot sa anim na oras at 39 minuto ang tinaguriang “World Series classic,” na tumabla sa rekord bilang pinakamatagal na laro sa kasaysayan ng World Series, katulad ng 18-inning win ng Dodgers laban sa Boston Red Sox noong 2018.

Si Freeman, na minsan nang nagtala ng walk-off grand slam sa 2024 World Series kontra New York Yankees, ay muling naging bayani ng Dodgers matapos patumbahin ang bola sa huling inning—na nagbigay sa kanila ng 2–1 lead sa best-of-seven championship series.

“This one took a little longer but this game was incredible,” ani Freeman, na ngayon ay kauna-unahang manlalaro sa kasaysayan na may dalawang walk-off home runs sa World Series.

Hindi rin nagpahuli si Shohei Ohtani, na nagpasiklab sa pamamagitan ng dalawang home runs at nakapagtala ng record nine on-base appearances, halos mag-isa niyang ibinalik sa laban ang Dodgers. Siya rin ang nakatakdang mag-pitch sa Game 4.

“Ang mahalaga ay nanalo kami,” sabi ni Ohtani. “Kailangan ko lang makapagpahinga para sa susunod na laro.”

Parehong koponan ay halos maubos ang kanilang pitching staff matapos ang mahabang laban. Huling tumindig si Will Klein, na nagtapon ng 72 pitches sa huling apat na inning upang pigilan ang Blue Jays—isang pambihirang effort na pinuri ni Freeman.

“Our bullpen was absolutely incredible,” ani Freeman. “Will Klein – absolutely incredible.”

Ang Game 4 ng World Series ay gaganapin muli sa Dodger Stadium, kung saan susubukang palakasin ng Dodgers ang kanilang kalamangan sa serye.

Exit mobile version