Isa na namang Maroon ang lumipad pa-Japan!
Matapos ang UAAP Season 87 title run, tinuldukan na ni Francis Lopez ang kanyang college career para sumabak sa pros — this time, sa Japan B.League kasama ang Fighting Eagles Nagoya.
“UP Fight forever,” ani Lopez, na bumida sa championship series at bumitaw ng dagger three kontra La Salle. Kahit may natitira pa siyang tatlong taon sa UAAP, mas pinili niyang sundan sina JD Cagulangan, Carl Tamayo, at ang Gomez de Liaño brothers na nauna nang naging Asian imports abroad.
Pero ‘di ito paalam — isa itong proud moment para sa UP community. Sabi nga ni Bo Perasol, “’Wag malungkot. Ipinagmamalaki natin si Francis.”
Francis Lopez Aarangkada na sa Kaniyang Career Patungo sa Japan B.League!
