Matapos ang kanilang makasaysayang ginto sa Southeast Asian Games, wala nang pahinga ang ating Philippine Women’s Football Team o ang Filipinas! Re-assembled na ang mga idolo natin para sa kanilang buildup sa darating na AFC Women’s Asian Cup ngayong Marso.
Island Vibes bago ang Bakbakan Bago sumabak sa init ng laban sa Australia, magkakaroon muna ang team ng 10-day training camp sa Balesin Island. Ayon kay PFF President John Gutierrez, deserve ng mga girls ang kaunting rest and recreation sa isla habang nagpapakondisyon sa kanilang FIFA-certified field.
“Reward ito para sa kanila matapos ang SEA Games win, at para na rin ma-seclude sila habang naghahanda,” ani Gutierrez.
Aussie Tour: The Real Test Mula Balesin, diretso na ang Filipinas sa Australia (March 1-21) para sa ilang tune-up matches laban sa dalawang first-division clubs doon. Ito ang magsisilbing preparasyon nila para sa Group A matches laban sa hosts na Australia, South Korea, at Iran. Target ng team? Ang slot para sa FIFA Women’s World Cup!
Football Fields para sa Lahat? Bukod sa laban ng Filipinas, may magandang balita rin para sa mga batang Pinoy footballers. May grant na $3.6 million hanggang $3.7 million mula sa FIFA at AFC para magtayo ng mga football fields sa buong Pilipinas.
Nakikipagtulungan na ang PFF sa Philippine Sports Commission (PSC) para makahanap ng mga lupang pag-aari ng gobyerno at SUCs (State Universities and Colleges) na pwedeng tayuan ng mga training centers.
