Excited si Jordan Clarkson, Fil-Am NBA star at dating Sixth Man of the Year, sa kanyang bagong yugto bilang miyembro ng New York Knicks.
Matapos ang buyout mula sa Utah Jazz, agad niyang niyakap ang enerhiya ng New York at ang pagmamahal ng fans. “Being a Knick gives you pride. Ramdam mo ang suporta ng buong lungsod,” sabi ni Clarkson sa panayam.
Bukod sa laro, masaya rin siya dahil makakakonekta siya sa higit 250,000 Pinoy na nakatira sa New York, na tiyak na magiging dagdag inspirasyon sa kanya bilang Gilas Pilipinas pride.
Huling season sa Jazz, nag-average siya ng 16.2 points, 3.7 assists, at 3.2 rebounds, at inaasahang magiging malaking tulong sa bench scoring ng Knicks—na huli sa liga sa bench points noong nakaraang taon.
Para kay Clarkson, higit pa sa stats ang pagiging Knick: “Kapag naglaro ka nang may pride at ipinaglaban mo ang lungsod, mas naeengganyo kang itaas pa ang laro.”
FIL-AM STAR JORDAN CLARKSON, MAGLALARO NA PARA SA NEW YORK KNICKS!
