Mahina ang simula pero mala-apoy ang tapos ng Converge nang talunin ang Phoenix Super LPG, 116-105, kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Bumagsak sa 18-point deficit, nagising ang FiberXers sa second quarter at bumawi ng 33-24. Sa third, tuluyang kinontrol ang laro sa 39-26 run, bago tinapos nang matindi sa 29-25 sa final quarter.
Ito na ang ikalawang sunod na panalo ng Converge matapos ang 102-91 victory kontra NLEX noong Martes, kaya’t 4-2 na ang record nila.
Samantala, muling natikman ng Fuel Masters ang talo, bumagsak sa 1-5 matapos maitala ang unang panalo kontra NorthPort.
Sa ibang laro, sinipa ng TNT ang Blackwater, 109-93, para sa kanilang pangalawang sunod na panalo, habang nanatiling 1-5 ang Bossing.