Nagbigay ng kilig at nostalgia ang original F4 na sina Jerry Yan, Vic Chou, Vanness Wu, at Ken Chu matapos muling magsama sa entablado matapos ang 12 taon!
Nagulat ang fans nang biglang lumabas ang apat bilang surprise guests sa concert ng Taiwanese rock band na Mayday sa Taipei Dome nitong Sabado.
Simple lang ang caption ni Ken Chu sa kanilang reunion photo — petsa lang ng concert — pero sapat na ito para magpakilig sa milyon-milyong fans nila sa buong mundo. Si Vanness Wu naman, nag-repost ng ilang concert clips sa kanyang IG stories.
Kinanta rin ng F4 ang isa sa mga pinakasikat nilang kanta mula sa OST ng Meteor Garden — ang “Meteor Rain.”
Matatandaang huling nakita ang F4 na magkakasama sa 2013 Spring Festival Gala sa China. Naglabasan ang balita tungkol sa posibleng reunion mula pa noong nakaraang buwan, at ngayon, nangyari na nga!