PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil hinikayat ang mga dating PNP chiefs mula sa administrasyong Duterte na linawin ang kanilang papel sa kontrobersyal na drug war, matapos ibunyag ni retired Lt. Col. Royina Garma ang umano’y cash reward system para sa pagpatay ng drug suspects.
Ayon kay Marbil, seryoso ang mga paratang ni Garma na nagkaroon ng covert operations na ginaya ang “Davao model” ng extrajudicial killings sa buong bansa. Aniya, kailangang magsalita ang mga dating opisyal upang maibalik ang tiwala ng publiko sa PNP.
Ibinunyag ni Garma sa isang House hearing na mismong si Duterte ang nagsabi sa kanya na gawing nationwide ang Davao-style war on drugs, kasama ang cash incentives mula P20,000 hanggang P1 milyon para sa bawat napapatay na drug suspect.
Kabilang sa mga dating PNP chiefs sina Sen. Ronald dela Rosa, Generals Oscar Albayalde, Archie Gamboa, at iba pa.
