PULSE PH

Ex-driver nina Michelle Dee at Rhian Ramos, Rumesbak ng Kaso sa NBI!

Hindi pinalampas ng dating driver at personal assistant na si alyas “Totoy” ang umano’y sinapit niya sa kamay ng mga aktres na sina Rhian Ramos at Michelle Dee.

Nitong linggo, dumulog si Totoy sa National Bureau of Investigation (NBI) upang magsampa ng reklamong assault, torture, at serious illegal detention laban sa dalawang celebrities, pati na rin kay beauty queen Samantha Panlilio at dalawang bodyguards.

Ang ‘Horror Story’ sa Condo Ayon sa kwento ni Totoy sa TV Patrol, nangyari ang insidente noong Enero 17 sa condo unit na tinutuluyan ng mga aktres sa Makati. Pilit daw siyang pinaaamin sa pagnanakaw ng private photos ni Michelle Dee.

“Sinabi ko naman sa kanila na wala sa akin yung pictures, pero binugbog ako… Inisprayhan ng alcohol yung mata ko, tapos dinudot-dot,” kwento ni Totoy.

Sa tindi ng takot, tinangka pa raw niyang tumakas sa pamamagitan ng pagtalon mula sa 39th floor. Maswerteng nakakapit siya sa lubid bago siya naibalik ng condo security. Nakulong daw siya sa loob ng unit ng tatlong araw.

Resbak Matapos ang Dismissal Ang NBI complaint ni Totoy ay isinampa matapos ibasura ng Makati City Prosecutor’s Office ang kasong qualified theft na unang isinampa ni Michelle Dee laban sa kanya. Pinalaya si Totoy noong Enero 22 dahil sa lack of evidence.

Ayon kay Dee, kinuha daw ni Totoy ang isang angpao na may lamang “sensitive images,” pero itinanggi ito ng driver at sinabing ang torture ang nagtulak sa kanya para tangkaing kitilin ang sariling buhay.

Sagot ng Kampo nina Rhian at Michelle Mariin namang itinanggi ng kampo ng mga beauty queens ang alegasyon. Ayon sa kanilang legal counsel na si Atty. Maggie Abraham-Garduque, wala pa silang natatanggap na kopya ng reklamo.

Paliwanag din ng abogado, walang illegal detention na naganap dahil stay-in employee si Totoy sa condo bilang driver ni Rhian. Iginiit nilang ang tanging naging isyu ay ang pagnanakaw.

Exit mobile version