Site icon PULSE PH

Eugene Domingo, Todo Papuri kay Lea Salonga!

Nagbabalik sa entablado si Eugene Domingo matapos ang pitong taon, at unang beses niyang sasabak sa isang full-on musical—Into the Woods. Pero kahit sanay sa spotlight, aminado siyang starstruck siya sa co-star niyang si Lea Salonga.

Sa presscon noong Hulyo 31, inulan ni Eugene ng papuri si Lea:

“Siya yung tipo ng Pinay na kayang itapat sa buong mundo pagdating sa talento.”

Kwela pa ang dagdag niya:

“Tao rin ‘yan—nagmumura, nagmama-marites! Pero grabe, prepared palagi. Perfect talaga! Nakakainis!”

Naalala pa ni Eugene ang isang eksena kung saan akala niya’y nagkamali si Lea, pero napagtanto niyang naiiyak lang ito habang nagre-rehearse ng kanta.

Biro pa ni Eugene, mas gusto niya si Lea kaysa kay Bernadette Peters na original na gumanap bilang The Witch sa Broadway.

“Di ko naman siya kilala—ang alam ko lang si Bernadette Sembrano!”

Si Lea at Bernadette Peters ay nagkasama na sa isang tribute concert para kay Stephen Sondheim, kung saan tampok rin ang mga awit mula sa Into the Woods.

Abangan si Lea bilang “The Witch” at si Eugene bilang scene-stealer—kakaibang tambalan, siguradong musical na may halong tawa!

Exit mobile version