Matapos ang walong buwang pahinga dahil sa back injury, muling nagpakitang-gilas ang Filipino-Ivorian fencer na si Maxine Esteban nang makuha niya ang silver medal sa women’s individual foil sa 23rd African Fencing Championships sa Lagos, Nigeria.
Ani Esteban, 24 taong gulang at Olympian, “Mahalaga ang medalya na ito. Patunay na sulit ang pagtitiis at paggaling.”
Dahil sa injury, hindi siya nakapaglaro ng matagal, kaya malaking bagay ang kanyang tagumpay ngayon.
Susunod siyang sasabak sa World Championships sa Tbilisi, Georgia sa susunod na buwan bago bumalik sa Pilipinas para sa isang homecoming.
Dito, gagawa siya ng outreach program para sa mga batang nais sumunod sa yapak niya bilang world-class fencer. Isa sa mga sumusuporta sa programa ay ang Rebisco Extreme.
Naitala ni Esteban ang tagumpay na ito matapos ang kanyang paglahok sa Paris Olympics kung saan siya ay nagtapos sa ika-21 pwesto bago magpahinga para magpagaling.
Isang inspirasyon si Maxine sa mga Pilipinong atleta na laban lang kahit may pagsubok!