Site icon PULSE PH

Eskwelahan Naglabas ng Pahayag sa Isyung Bullying kay Anak ni Yasmien Kurdi!

Naglabas ng pahayag ang Colegio de San Agustin-Makati tungkol sa umano’y bullying na kinasasangkutan ng anak ni Yasmien Kurdi, si Ayesha. Ayon sa kanilang legal counsels, walang bullying na nangyari noong Disyembre 10, kundi isang “diskusyon” lang daw ng mga estudyante tungkol sa Christmas party.

Agad daw inaksyunan ng eskwelahan ang insidente kasama ang mga magulang at estudyanteng sangkot. Hiniling din nila ang pakikipagtulungan ni Yasmien (tinukoy bilang Mrs. Soldevilla) at ng iba pang magulang upang maayos ang isyu nang pribado, alinsunod sa patakaran ng DepEd.

Umapela rin ang CSA kay Yasmien na huwag nang magbahagi ng impormasyon na maaaring makapahiya sa mga estudyanteng menor de edad. Bagamat kinikilala raw nila ang mabuting intensyon ng aktres, pinunto nilang ang “pagsasapubliko” ng isyu ay maaaring magdulot ng hindi magandang epekto sa mga sangkot, kabilang ang anak ni Yasmien.

Matatandaang nagpost si Yasmien noong Disyembre 11 tungkol sa umano’y pambubully, kung saan sinabi niyang hinarangan ng grupo ng mga kaklase si Ayesha, pinagkaitan ng pagkain, at hindi pinayagang makaalis ng classroom.

Samantala, wala pang bagong update si Yasmien ukol sa isyu o sa inilabas na pahayag ng eskwelahan.

Exit mobile version