Sinabi ni Senate President Francis Escudero na kayang ibaba ng PhilHealth ang contribution rates nito dahil sa dami ng kanilang hindi nagagamit na pondo. Ayon sa datos ng Department of Finance (DOF), may P500 bilyon pang idle funds ang PhilHealth.
“May sobra silang P500 bilyon na maaaring gamitin para bawasan ang buwanang premium na karamihan ay gobyerno rin ang nagbabayad,” sabi ni Escudero.
Binanggit din niya ang subsidies ng gobyerno sa PhilHealth:
- – 2021: P71.3 Bilyon
- – 2022: P80 Bilyon
- – 2023: P79 Milyon
- – 2024: P40.3 Bilyon
Sa halip na ibalik ang sobrang pondo, iminungkahi ni Escudero na gamitin na lang ito para bawasan ang premiums, lalo’t gobyerno rin ang nagbabayad ng karamihan nito.