Nasangkot sina Sen. Chiz Escudero at dating senador at Makati Mayor Nancy Binay sa umano’y katiwalian sa pondo para sa flood control projects, ayon sa testimonya ni dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo sa Senate Blue Ribbon Committee noong Huwebes, Setyembre 25.
Inamin ni Bernardo na may bahaging kinasangkutan siya sa anomalya at pinangalanan ang ilang opisyal at politiko. Sinabi niyang si Maynard Ngu, executive ng Cosmic Technologies Inc., ay malapit kay Escudero at siya ang tumanggap ng 20% ng P800 milyon, o humigit-kumulang P160 milyon, na allegedly para kay Escudero.
Samantala, noong 2024, isang staff ni Binay umano ang humingi ng 15% kickback sa ilang proyekto, na katumbas ng P37 milyon, na allegedly naideliver sa bahay ni Binay sa Makati.
Pinangalanan din ni Bernardo si Commission on Audit Commissioner Mario Lipana, at ilang opisyal mula sa DPWH kabilang si former DPWH engineer Brice Hernandez, at DepEd Undersecretary Trygve Olaivar, na umano’y humingi ng listahan ng proyekto para sa Unprogrammed Appropriations.
Bukod kay Escudero at Binay, binanggit din niya sina former senator Bong Revilla at Rep. Zaldy Co bilang mga sangkot sa anomalya sa flood control projects, kabilang ang umano’y usapan sa 2% kickback sa budget insertion.
Dahil sa kanyang mga ibinahaging impormasyon, humiling si Bernardo na maging state witness, at inaprubahan ni Senate Blue Ribbon Committee chair Sen. Ping Lacson ang pagdadala sa kanya sa Department of Justice.