Magtatapos na ang record-breaking Eras Tour ni Taylor Swift sa Linggo sa Vancouver, matapos ang 149 shows sa buong mundo—mula Buenos Aires hanggang Tokyo.
Tinatayang higit sa $2 bilyon ang kinita ng tour, ayon sa Pollstar, na nalampasan ang dating record ni Elton John na $939 milyon.
Bukod sa concerts, pinalakas ni Swift ang ekonomiya ng mga host cities. Sa Toronto, ang anim na shows niya ay nagdala ng $282 milyon CAD na kita.
Dumalo pa si Canadian Prime Minister Justin Trudeau, na dati pang nakiusap kay Swift na isama ang Canada sa kanyang tour.
Bagamat may kontrobersiya, tulad ng isang kanseladong show sa Vienna at isang trahedya sa Rio, ang Eras Tour ay umani ng papuri mula sa kritiko at fans.
Magtatapos ito bilang pinakamalaking music tour sa kasaysayan—isang cultural phenomenon na forever tatatak sa pop culture.