Hindi maitago ni Epy Quizon ang lungkot nang malaman niyang kasama sa gigibain ang Dolphy Theater — ang lugar kung saan marami siyang alaala kasama ang yumaong ama, ang “King of Comedy” na si Dolphy.
“Kasama namin siya nung ribbon cutting… naka-oxygen na siya pero malakas pa,” kwento ni Epy.
Ang theater na nasa loob ng ABS-CBN compound ay bahagi ng lote na binili ng Ayala Land. Kaya posibleng mawala na ang mismong gusali — at ang pangalan ni Dolphy rito.
“Siyempre masakit. Diyan ginanap ang burol ni Papa. Andaming alaala,” dagdag ni Epy.
Pero umaasa siyang bibigyang-parangal pa rin si Dolphy sa ibang paraan.
“Hindi man sa teatro, pero siguradong mananatili si Dolphy sa puso ng Pilipino,” aniya.
