Site icon PULSE PH

ENHYPEN, Pinakilig ang ENGENEs sa Sold-Out Fun Meet!

Muling nagdala ng init sa Manila ang K-pop group na ENHYPEN sa kanilang sold-out “DES7INED” fun meet, hatid ng Dunkin’ Philippines.

Nagpasabog ng saya ang septet na sina Jungwon, Heeseung, Jay, Sunghoon, Jake, Sunoo, at Ni-ki sa Big Dome, na puno ng kilig at excitement. Nag-perform sila ng “No Doubt,” naglaro ng interactive games, at sumagot ng nakakatuwang Q&A.

Nagpa-cute si Jungwon bilang pusa, nag-serenade si Heeseung ng “Can’t Feel My Face,” at pinakilig ni Jake ang fans sa kanyang pickup line: “Kape ba kayo? Masaya kasi akong ‘kape-ling’ kayo.”

Nag-share rin ng sikreto si Sunghoon na bumisita raw sila sa Dunkin’ para bumili ng donuts bago ang event. Samantala, pinabilib ni Ni-ki ang crowd sa kanyang aegyo poses, habang si Sunoo ay nanalo sa laro ng “Wheel of Destiny.”

Bago matapos ang gabi, pinanood ng boys ang isang tribute video mula sa ENGENEs bilang pagdiriwang ng kanilang ika-4 na debut anniversary.

Sa huli, nagpasalamat ang grupo sa pagmamahal ng Filipino fans. Ayon kay Jake, “Kaya gustung-gusto naming bumalik dito, dahil sa suporta niyo.”

Handa na ang ENGENEs para sa “Walk The Line” concert sa Bulacan sa Marso 1, 2025. Bago magpaalam, nag-iwan si Jake ng “Mahal kita” at isang flying kiss sa audience.

Exit mobile version